Balewala by Loonie

nandito ang buong lyrics.

ang blogpost na to ay tungkol sa opinyon ko sa mga lines sa kanta.
Ito kasi yung paborito kong kanta ngayon. 😍😍😍😍

Sinulat ni Loonie to para yata sagot sa mga taong gusto syang hilain pababa. Pero iba yung relfections ko tungkol sa kantang ‘to, kasi di naman ako sikat at wala naman tlagang gustong humila sa akin, pero ang ganda ng message ng kanta lalo na yung chorus na kinakanta ni Mae.

Pinaka paborito kong mga linya ay yung mga sumusunod:

1.  Tinanggap ang bawat hamon ng mundo
“Lumaban”
Nakipaglaro ng apoy at
Patintero kay kamatayan

di ako maka-relate dito kasi di naman ako nakipaglaro kay kamatayan, ever, at dahil wala pa akong na-a-achieve tlaga sa life ko, im pretty sure, di ako lumaban sa hamon ng mundo.

2. Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto
Nakakapunit man ang hanging sasalubungin
Ay yayakapin ko!

ito ang pinaka pinaka paborito kong linya sa kanta, as in, kasi parang ang ibig sabhin, para sa akin, paglabas ng pinto, as in pag aalis ka na sa comfort ng bahay mo at haharapin ang mga tao, sitwasyon at mga bagay na nasa mundong ginagalawan mo, sa industriya kung saan ka nagtatrabaho, kahit gaano man yun kahirap ang sasalubong sa yo, kakayanin mo, yayakapin mo. Tatanggapin mo yung pagsubok na dadating ng walang reklamo.

3. Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanan ko!

Naniniwala ako na minsan, ina-allow ni God ang suffering sa life natin para mas maging holy tayo. Kaya gusto ko rin yung linyang ‘to kasi, minsan di rin ako maka-surrender sa will ni God sa life ko, minsan nag rereklamo ako sa mga dumadating na pagsubok, pero tulad nga ng sinabi ni Loonie, ano man yung hangarin ng Diyos sa buhay ko, dumating man ang mga pagsubok, para mas maging mabuting tao ako, kakayanan ko.

4. Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin
Ay tila balewala

Ito yung parang mga masasakit na ginawa ng mga tao sa akin. Syempre kahit sino naman tlagang nasaktan na ng sobra ng isang tao. Pero kahit na gawan man ako ng masama ng ibang tao, kakayanin ko, tila balewala.

5. Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik
“Tila balewala”

Love this line! I will strive to climb the mountain towards my dreams.

6. Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit
Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

ngayon ko lang narinig yung salitang “ngarat”, so syempre google lang ang solusyon, nakita ko yung ibig sabihin sa website na to (dapat 18yrs old na daw ang mga magbabasa sa website na yan.) Yun pala yung tagalog version ng f*ck you.

Para sa akin, ibig lng sabihin nito na lumaban ka kung tinatapakan ka na. Kinakanta ko ‘to with feelings tlga lolz. Pinaka ayaw ko pa naman yung dinuduro duro ako, pero sa totoo lng di ko kayang gawin na ngaratan kahit na sino, yung gawin tlga sa kamay yung fu sign. Pero gusto ko lng kinakanta yung line na ‘to. Laban lng at wag papatalo sa kahit na sino na sinusubukan na ibaba ang self esteem mo.

7. Andami talagang nais manira ng pangalan
Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan
Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban
Ngingitian ko na lamang
“Balewala”

Ito nakikita ko na nangyayari madalas sa mga taong sikat na. Maraming mga plastic sa isang tao pag sikat na sya. Kaya kung makakita kang ng tunay na kaibigan, treasure her/him.

8. Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik
Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit

ano yung dahilan kung bakit ka nag pupursige mag trabaho, kung bakit ka nagtitiyaga na makamtan ang pangarap mo. What is your “why”, kasi para kay Loonie, yung family nya. Ako, ginagawa ko yung gusto ko para sa goals ko para sa sarili ko, at sa mama ko, at I know I will achieve it, sa tulong ng Diyos. Balewala ang pagod at sakit, kung makikita ko naman ang ngiti sa mga mahal ko sa buhay.